
Alessandra
Selvidad
Accounting Business Management student
Mabuhahy!
Ako si Alessandra Nicole Angusto Selvidad, at ako ay isang estudyante mula sa De La Salle Zobel Vermosa Campus, kabilang sa mga rising entrepreneurs ng Accounting Business Management.
Ang portfolio na iyong nakikita ay para sa aking Pangwakas na Pagtataya sa paksa ng Pagbabasa o Filipino sa Piling Larangan.
Nandito ang lahat ng aking mga pagsusumite at ang aking mga saloobin sa paksa dito at nawa'y magkaroon kayo ng kasiyahan dito.
MGA SULATIN & GAWAIN
Narito ang mga aing sinubmit na mga gawain para sa paksa na Filipino sa Piling Larangan.


REPLEKSYON
Ang aking repleksyon sa karanasan ko sa klase ng Filipino ay dito ko napansin na marunong akong magsalita ng "street Filipino" ngunit hindi ito ganap na tama sa gramatika at kung minsan ay halo-halo na may mga salitang Ingles. Sa pamamagitan nito, napagtanto ko na kailangan ko pang mag-praktis at pagbutihin ang aking Tagalog. Hindi dapat mawala ang aking kakayahan na magsalita ng wastong Filipino sa pamamagitan ng impluwensiya ng mga taong nakapaligid sa akin na bihasa sa Ingles. Ngunit sa pagbabasa, dito ko muli naisip na kailangan kong sipagan ang paggamit ng ating kultura at lenguahe para sa aking mga pagsusumite. Nakatulong ito sa akin dahil mas lalo akong naging bihasa sa Tagalog at dahil maraming malalim na salita na hindi ko pa maintindihan, dito ako nagkaroon ng oportunidad na pag-aralan ito at mas lalo pang i-enhance ang aking bokabularyo.
Sa aking pananaw, mas kaunti o wala akong nakikita na mga pananaliksik na nakasulat sa ating sariling lenguahe dahil marami ang nagsasabing mahirap itong intindihin at kinakailangan itong maging madaliang basahin para sa lahat. Dahil dito, na-inspire akong lalo na intindihin ang aking binabasa, tulad ng mga aklat sa Tagalog o mga artikulo, nang hindi na kailangang i-translate ito sa Ingles upang maintindihan.






